Friday, December 31, 2010

New Me in New Year

Bukas sasabak na naman ako sa aksyon sa ER. Nakakatamad kasi puyatan na naman ng isama pa ang mga pasyente wala nang ginawa kundi magpatubo ng sakit sa katawan. Ang iba naman ay wala lang magawa sa bahay nila at gusto lang makipagkwentuhan sa doktor at sa ER pa pumunta. Madalas talaga akong magalit sa pasyente lalo na kung malalim na ang gabi o kapag sikat na ang araw e hindi pa ako nakakain. Swerte lang nila kapag hindi ako duty sa hospital.

Isa sa mga bagay na gusto kong baguhin ang pagiging bugnutin ko. Siguro ito ung pinakamahirap na gagawin ko. At least un pagwoworkout medyo nagiging consistent na ako. Sana lang maraming magpa-ECG na pasyente ngayon..ung mga hot mamas. Kadalasan kasi mga lola na halos ayaw nang dumikit ang chest leads namin sa sobarang sag ng balat.

No comments:

Post a Comment